Wednesday, March 4, 2020

No Regrets

Ginanahan akong magsulat ngayon dahil may mga batang sinipag magbasa
ng blog ko. Isa pa, gumagana pala ang physical keyboard pag sinaksak
dito sa cellphone kaya mas mabilis akong nakakapagtype.

Naging curious lang naman ang mga bata sa akin nang sabihin kong wala
akong religion. Ang dami nilang gustong itanong kaya sabi ko basahin
na lang nila tong blog ko. Nang icheck ko, narealize kong kaunti pa
lang pala ang laman nito. Hopefully may maisulat akong may sense
ngayon para may mabasang matino ang mga bata.

Ang totoo, kahit wala na akong religion ngayon, hindi ko na hayagang
sinasabi na atheist ako. Umiiwas na kasi ako sa lahat ng philosophies.
Isa pa, ang atheism as isa ring kahon na maglilimita sa pag-iisip ko.
Kahit sinasabi kong hindi ako naniniwala sa diyos, open pa rin naman
ako sa possibility na mayrong something divine sa buhay na ito. Wala
na akong beliefs, ang mayroon na lang ay openness. Ang mahirap kasi sa
atheists, sarado na ang isip nila about anything beyond this world.
Puro hanggang pisikal lang ang focus nila. But when I look inside
myself, masasabi kong hindi lang talaga puro pisikal lang ang bumubuo
sa tao. There is something more, something beyond.

Hindi ba sapat na sabihing ako ay ako? Bat ko kailangang i-define ang
sarili ko base sa trabaho, nationality, gender, edukasyon, pilosopiya,
religion, o political beliefs ko? Illusion lang naman ang lahat ng
iyon. In fairness naman sa meditation, simula nang matuto akong
mag-meditate, narealize ko na ang dami kong maling paniniwala tungkol
sa sarili ko. Kaya nga nang i-let go ko ang lahat ng mga false notions
ko about my self, nakilala ko na talaga kung sino ako. Yon lang naman
talaga ang hinahangad ko simula nang magka-isip ako.

Looking back, akala ko gusto ko lang talagang makilala ang Diyos kaya
naging active ako sa simbahan nong high school ako. Naging seryoso ako
sa religion ko at inaral ko talaga ang Bible. Sumali ako sa mga
ministries para makapaglingkod at nag-lead ng Bible studies sa
pag-aakalang mas mapapalapit ako sa Diyos. In the end, napagod lang
ako at mas nalugmok sa depression. Naisip ko tuloy na baka naman hindi
ang Diyos ang sagot sa deep longing na nararamdaman ko? It turns out,
tama ako.

January 2012 nang mag-decide akong mag-meditate. Unti-unti kong
nakilala ang sarili ko at dahan-dahang gumaling ang depression ko. Sa
totoo lang, yon talaga ang naging turning point ng buhay ko. Dahil sa
meditation nakalaya ako sa malalim at madilim na kalungkutang
nararamdaman ko since magka-isip ako. Dahil din don na-let go ko ang
lahat ng anxieties and negativities ko. Naging mas malinaw ang
pagtingin ko sa buhay. Higit sa lahat, nakaalis ako sa religion.
Ironically, naging mapayapa ang kalooban ko nang umalis ako sa
simbahan at tinanggal ang beliefs ko.

Naging malinaw na rin sa akin kung bakit ako nabubuhay. Nandito lang
naman ako para maging aware, ma-experience nang buo ang bawat moment,
matuto sa experiences na yon, at mag-let go. In the end, ang mahalaga
lang naman ay alam mong nabuhay ka nang walang pinagsisisihan. Kagaya
nga ng sabi ni Mirko sa My Hero Academia, "I LIVE WITH THE REMINDER OF
THE POSSIBILITY OF MY DEATH EVERY DAY, SO THAT I'LL HAVE NO REGRETS
WHEN I DIE!"

Sent via t.me/gmailbot