Monday, September 24, 2018

into agnosticism and skepticism









ang dami nang nangyari saken. ang lungkot ko ngayon. kaso ayoko nang malaman ang dahilan kung bakit. nakakasawa na. ang nangyayari nga lang saken ngayon, di ako makatulog nang maayos dahil nga feeling ko merong something sa puso ko na kelangan kong ilabas. ang hirap talaga ng ganitong sitwasyon. ang sakit. pero natutunan ko nang mabuhay kasama ang lahat ng hapding nararamdaman ko. ang dami na nga eh. nagkasabay-sabay.



di ko na alam ngayon kung kristiyano pa nga ba ako. feeling ko kasi lahat ng relihiyon may kanya-kanyang version ng katotohanan. lahat ng taong may isip, may kanya-kanya ring version ng katotohanan at definition ng kaligayahan. di ko na alam kung sinong paniniwalaan ko. kung ang bible kasi, di naman kasi lahat ng nakasulat don ay totoo. ang ilan don ay alamat lang. di ko na alam kung alin ang totoo. ang iniisip ko na nga lang ngayon, kung hindi totoo ang bible, pano non nahulaan ang mga bagay na mangyayari sa hinaharap? at kung hindi totoo ang diyos ng bible, pano nagkatotoo ang ilan sa mga hulang nakasulat don? ito na lang talaga ang nag-iisang dahilan kung bakit di pa rin ako lubusang nagiging atheist, maliban pa sa ilang mga bagay na di mapaliwanag ng siyensya gaya ng demon-possession at paranormal activities.



malamang totoong may diyos nga, kaso hindi yon ang diyos na sinasamba ng mga kristiyano. ang diyos kasi ng mga kristiyano ay sadista, praning, self-worshipper, at psychopathic. yon ang klase ng diyos na di ko kayang sambahin at mahalin. oo, sinasabi ng mga kristiyano (at ganito rin ang sinabi ko sa sarili ko noon) na kung ganito naman talaga ang katangian ng tunay na diyos, eh di tanggapin na lang natin. bat nga naman tayo gagawa ng isang romanticized na version ng diyos na sasambahin natin? kaso nga lang, di ko talaga kayang sambahin, mahalin, at sundin ang ganoong klase ng diyos. kung may sasambahin man akong diyos sa buhay ko, sigurado akong hindi yon ang diyos ng kristiyanismo.



ano nga ba kasi talaga ang katotohanan? ano nga ba ang totoo? meron nga ba talagang absolute truth? feeling ko lahat ng tao may kanya-kanyang definition ng kung ano ang totoo. maraming naniniwalang spiritual o religious ang nature ng katotohanan kaya sinasabi nilang si hesus ang katotohanan. pero sa pagsasabi nila ng ganon, ano nga ba talaga ang ibig nilang sabihin? ano ang ibig sabihin ng pagiging katotohanan ni hesus? siya nga ba talaga ang absolute truth? sa panong paraan? pano ko nga rin ba malalaman kung ang isang bagay, ideya, o tao (sa kaso ng kristiyanismo) ay ang katotohanan? yon lang naman kasi talaga ang gusto kong hanapin sa buhay ko. gusto kong malaman kung ano ang totoo. pero pano? anong criteria, characteristic, o guidelines ang dapat kong pagbasehan para malaman ko ang katotohanan? pano ko malalaman kung nahanap ko na pala ang gusto kong makita? dapat ko bang gamitin ang isip ko? pero sinasabi naman ng ilan na faith ang kelangan ko.  eh ano nga ba ang ibig sabihin ng faith?



sa nakikita ko kasi, kelangan mong maging bulag para masabing may faith ka nga. kelangan mong maniwala na lang sa kung anong sinasabi sayo ng simbahan, bible, o relihiyon. para bang kelangan mong wag gamitin ang utak mo kapag kristiyano ka. ang hirap eh. kung ang kristiyanismo ang totoong relihiyon at si kristo nga ang absolute truth, bakit faith lang ang kelangang maging basehan para mapatunayan yon? di ba nila alam na ang faith na tinutukoy nila ay nakabase madalas sa emosyon? at ang emosyon ng tao ay di mapagkakatiwalaan dahil madalas ay pabago-bago ito at irrational. kapag emosyon ang pinapagana, di mo na kelangan ng facts at proofs para ma-derive ang katotohanan. pero alin ba sa dalawa ang mas mapagkakatiwalaan, ang isip (reason) o puso (emotions)? marahil sasabihin ng ilan na di ko rin dapat masyadong pinagkakatiwalaan ang isip ko dahil limitado lang naman ang kaya kong intindihin at malaman. naniniwala rin akong imperfect ang lahat ng nasa  tao, kahit ang logic at reasoning niya. pero kung titimbangin, mas may dahilan ako para pagkatiwalaan ang isip ko kesa puso ko. masyado akong mahina emotionally. mas magaling akong mag-isip kesa makaramdam. kaya kung ako ang papipiliin, mas dapat kong gamitin ang isip ko sa paghahanap ng katotohanan.

but again, the problem is, nag-eexist nga ba talaga ang katotohanan? ano nga ba kasi talaga ang totoo? pano kung naghahanap lang pala ako ng wala? isa pa, may dahilan nga ba talaga ako para i-deny ang reliability ng buong bible? alam kong merong mga parte yon na kwestiyonable, pero marami rin naman akong dahilan para paniwalaan yon. ayon sa archeology, merong mga nakasulat sa bible na napatunayan nilang nag-exist o nangyari nga. ganon din ang sinasabi ng history.



sa totoo lang mas may dahilan akong mag-doubt sa new testament kesa old. kung ganon, mabigat ang dahilan ko para i-deny ang kristiyanismo, dahil nga nakabase ang malaking porsiyento nito sa n.t. pero ang isa pang problema ko, bakit ko ba kasi hinahanap ang katotohanan sa isang libro gaya ng bible? sino ang nagsabing ito ang authority pagdating sa kung anong dapat kong isipin at paniwalaan? marami pa namang religious books and writings na nag-eexist ngayon, at ang ilan pa sa mga yon ay naisulat bago pa ang bible o pagsilang ng kristiyanismo. sa mga libro ko nga ba mahahanap ang katotohanan? sa relihiyon ba? kung hindi ron, saan? pano? gusto kong i-spend ang buhay ko sa paghahanap ng kung ano ang totoo. gusto kong masagot ang lahat ng mga tanong ko. gusto kong mahanap ang fulfillment ng buhay ko sa paghahanap ng katotohanan. pero hanggang kelan kaya ako maghahanap? kelan kaya matatapos ang paghahanap ko?

eto pa ang isang dahilan kung bakit feeling ko hindi ako magiging masaya sa buhay ko kahit kelan. feeling ko magiging masaya lang ako pag nalaman ko na ang katotohanan. at hangga't di ko pa nahahanap yon, ibig sabihin hindi ako magiging tunay na masaya. hindi ako magkakaron ng contentment sa buhay ko hangga't di ko nalalaman ang totoo. feeling ko kasi ang daming hindi sinasabi ng simbahan saken. feeling ko ang daming nililihim saken ng mundo.



ano nga ba ako? sino nga ba ako? para saan ang buhay at existence ko? bat ako nandito? ilan lang to sa mga tanong ko na di ko talaga masagot. oo madali lang namang sabihin na nabubuhay ako dahil at para sa diyos. madali lang sabihing anak ako ng diyos dahil nanalig ako kay kristo. but i cant still find satisfaction in this christian scheme of things. feeling ko kasi wala nang ibang ginagawa ang diyos kundi ang tapakan ang pagkatao ko, ang laging iparamdam saken ang inadequacies and weaknesses ko, at ipamukha saken ang mga kasalanan at guilt ko. ginagawa nya yon kasi gusto nyang lagi akong humingi ng awa at pagpapatawad nya. gusto nyang laging siya lang ang bida. di nya man lang ma-appreciate kahit ang mga kabutihang ginagawa ko. basura o basahan lang naman kasi ang mga yon sa paningin nya. kahit anong gawin ko hinding-hindi ko sya mapi-please. hinding-hindi ko makukuha ang loob nya. kung totoong siya ang diyos, ang mabuti at mapagmahal na diyos,  bakit niya ginagawa at pinaparamdam saken ang ganon? ginagago nya lang ako. hinding-hindi ko kayang mahalin at ibigay ang buhay ko sa ganong klase ng dyos.



gusto kong maging definite sa kung anong gusto kong mahanap. kahit di ko alam kung ano nga ba ang katotohanang hinahanap ko, somehow, alam kong makikita ko rin yon. malamang ang katotohanang hinahanap ko ay hindi ang pini-preach ngayon ng relihiyon o ng kahit na anong pilosopiya. pero kung ganon, ibig sabihin wala pang nakakahanap non. pero hindi naman yata pwede yon. meron na nga kayang nakahanap sa katotohanan? attainable nga rin ba talaga yon? ewan ko.



kahit ako di ko alam kung anong hinahanap ko. yon ang totoo. di ko alam kung anong hinahanap ko. napaka-vague kasi ng salitang 'katotohanan.' kung sasabihin ko kasi na hinahanap ko ang katotohanan, ibig sabihin kasinungalingan lang ang lahat ng sinasabi ng lahat ng relihiyon, paniniwala, ideolohiya, at pilosopiya. posible nga ba talaga yon? o mas risonable bang isipin na somehow, somewhere in this chaos of belief systems ay meron ngang nag-eexist na 'absolute truth?' kung ganon nga, pano ko mahahanap yon? alin sa mga yon ang dapat kong paniwalaan? parang nawawalan na ako ng pag-asa. di ko na alam kung anong dapat kong paniwalaan. siguro nga hindi totoong may absolute truth. hindi nga talaga siguro nag-eexist ang gusto kong makita. kung ganon, dapat sigurong i-enjoy ko na lang ang buhay ko, tutal yon lang naman ang pwede kong gawin eh. miserable naman talaga ang existence ng tao dito sa mundo kaya mas mabuting maging masaya na lang sa kung anong  meron at kung sino ako ngayon. yon na lang siguro ang magiging prinsipyo ko sa buhay ko: ang maging masaya.



14:16 9/27/2008

No comments:

Post a Comment