Monday, March 8, 2021

Sana

Lyrics by James Zaragosa

Music by Jonathan R. Bacolod


Intro: C G F G (2x)


      C                  F

Narito ang buhay ko

     Em  E       Am

Inaalay ko sa Iyo

Dm                C

Gamitin Mo ako

           F             G

sa kaluwalhatian Mo


       C                F

Narito ang puso ko

   Em E     Am

pakalinisin Mo

Dm         C

upang maalay

          F                G

ang buo kong buhay


Pre-chorus:

     Bb      C      Dm              C

Sa pagsamba nawa ay manguna

Bb           F              C       

Sa buhay kong ito purihin Ka


Chorus:

         G                    C  

O Hesus, sana pagpalain Mo

      Bm7 Em            Am           D

gamitin    Mo ang buong buhay ko

                G                   C                   Bm7         Em

Nawa ay Ikaw sana ang manguna sa buong buhay ko

              Am  D

Sa pagsunod ko sa landas Mo


(Repeat all)

(Instrumental: Repeat chords of Chorus)

(Repeat Pre-chorus, then transpose Chorus to A)

(Outro: D A G A B)

Higit Pa Sa Awit

Lyrics by the youth of Good Samaritan Bible Community

Music by Jonathan R. Bacolod


Intro: D C#m D C#m 

D

Parap-pap-parap-parap-parap

C#m

Parap-pap-parap higit sa awit (2x)


Verse 1

D                                    C#m

Magmula nang marinig at makilala Siya

          D                                 C#m

Ako'y natutong tumugtog ng gitara

        D                              C#m

At sumasayaw pa nga sa indayog ng tugtugan

  D                    E

upang Siya'y alayan


Verse 2:

D                           C#m

Ang akala ko noon hanggang himig lang,

       D                            C#m

sa tunog at masayang melodya

           D                            C#m

ang marapat sa Kanyang inaalay ko sa tuwina

      D             E

Ngunit mali pala


Chorus:

           B           C#m

O, ang tunay na pagsamba

Ebm                     E                 F#

di nadadaan sa magandang musika


B                                      C#m

Sapagkat ang iaalay kung ano't sino ka

       Ebm           E                 F#

Higit pa sa awit ang tunay na pagsamba


(Repeat all)

Bridge:

B   A                                   E

      Ang iyong katawan ang ihahandog 

    F#m                  G#

sa Panginoon na buhay na hain

E                 C#m                F# F#7

at banal sa Diyos na mahabagin upang Siya'y purihin


(Repeat Chorus 2x)
(Outro: Repeat chords for Intro)

What Happened

Lyrics and Melody by James Zaragosa

Chords by Jonathan R. Bacolod


Verse 1

Dati ang buhay mo'y

inilaan sa paglilingkod

Nauuna sa umaga

para lang makapagsimba


Dahil ang buhay mo'y

Naging ilaw sa mga tao

Marami ang naniwala

kay Hesus ay nagtitiwala


Ngunit biglang nagbago

Kay Hesus ika'y lumayo


Chorus:

D                       A

What happened? What happened?

     G                     A

Ano'ng nangyari sa'yo?

F#m            Bm

Bakit ka nagkakaganyan?

G                 A

Di ka naman salawahan


D                        A

What happened? What happened 

     G                      A

to you my dearest friend?

F#m           Bm

Bakit ka naman lumayo?

G                       A

Ang faith mo ay iyong sinuko


(Repeat all)

(Instrumental: Repeat chords of Chorus)

Bridge:

D

Kaibigan ika'y bumalik

Bm

si Hesus ay nananabik

Em

na makapiling kang muli

        A

sa buong buhay mo

(Repeat Bridge 2x)

(Repeat Chorus)

O Diyos Salamat

Composed by Jonathan R. Bacolod

Intro: Dm F C Bb A


D                 Em       A                 Bm

Pinatawad Niyo ang pagkakasala ko

G      Em                    A

ayon sa pangako Niyo

D              Em        A                 Bm

Inunawa Niyo mga pagkukulang ko

G    Em                  A     F#7

at mga kahinaan ko


Pre-chorus:

Bm    Bm+M7            G           A     F#7

Kahit na             di karapat-dapat

Bm         Bm+M7            G               A

O Diyos ako'y            Inyong pinatawad


Chorus:

Bm-Em-A-A7                D        D7

                   O Diyos salamat 

                    G   

sa pagpapatawad

      Gm        F#m Bm                

sa dami ng sala  ko, 

       Bm7    Em                A

ako ay     nilinis Niyo, hinango

A7              D            D7               G

O Diyos salamat wala Kang katulad

     Gm       F#m Bm          

sa awa't biyaya Niyo 

         Bm7   Em      

ay patuloy   pinunan ang

A

pagkukulang ko


(Repeat all)

(Instrumental: Repeat chords for chorus)

(Repeat Pre-chorus then Chorus 2x)

(Outro: Do chords for Intro)

Wednesday, March 4, 2020

No Regrets

Ginanahan akong magsulat ngayon dahil may mga batang sinipag magbasa
ng blog ko. Isa pa, gumagana pala ang physical keyboard pag sinaksak
dito sa cellphone kaya mas mabilis akong nakakapagtype.

Naging curious lang naman ang mga bata sa akin nang sabihin kong wala
akong religion. Ang dami nilang gustong itanong kaya sabi ko basahin
na lang nila tong blog ko. Nang icheck ko, narealize kong kaunti pa
lang pala ang laman nito. Hopefully may maisulat akong may sense
ngayon para may mabasang matino ang mga bata.

Ang totoo, kahit wala na akong religion ngayon, hindi ko na hayagang
sinasabi na atheist ako. Umiiwas na kasi ako sa lahat ng philosophies.
Isa pa, ang atheism as isa ring kahon na maglilimita sa pag-iisip ko.
Kahit sinasabi kong hindi ako naniniwala sa diyos, open pa rin naman
ako sa possibility na mayrong something divine sa buhay na ito. Wala
na akong beliefs, ang mayroon na lang ay openness. Ang mahirap kasi sa
atheists, sarado na ang isip nila about anything beyond this world.
Puro hanggang pisikal lang ang focus nila. But when I look inside
myself, masasabi kong hindi lang talaga puro pisikal lang ang bumubuo
sa tao. There is something more, something beyond.

Hindi ba sapat na sabihing ako ay ako? Bat ko kailangang i-define ang
sarili ko base sa trabaho, nationality, gender, edukasyon, pilosopiya,
religion, o political beliefs ko? Illusion lang naman ang lahat ng
iyon. In fairness naman sa meditation, simula nang matuto akong
mag-meditate, narealize ko na ang dami kong maling paniniwala tungkol
sa sarili ko. Kaya nga nang i-let go ko ang lahat ng mga false notions
ko about my self, nakilala ko na talaga kung sino ako. Yon lang naman
talaga ang hinahangad ko simula nang magka-isip ako.

Looking back, akala ko gusto ko lang talagang makilala ang Diyos kaya
naging active ako sa simbahan nong high school ako. Naging seryoso ako
sa religion ko at inaral ko talaga ang Bible. Sumali ako sa mga
ministries para makapaglingkod at nag-lead ng Bible studies sa
pag-aakalang mas mapapalapit ako sa Diyos. In the end, napagod lang
ako at mas nalugmok sa depression. Naisip ko tuloy na baka naman hindi
ang Diyos ang sagot sa deep longing na nararamdaman ko? It turns out,
tama ako.

January 2012 nang mag-decide akong mag-meditate. Unti-unti kong
nakilala ang sarili ko at dahan-dahang gumaling ang depression ko. Sa
totoo lang, yon talaga ang naging turning point ng buhay ko. Dahil sa
meditation nakalaya ako sa malalim at madilim na kalungkutang
nararamdaman ko since magka-isip ako. Dahil din don na-let go ko ang
lahat ng anxieties and negativities ko. Naging mas malinaw ang
pagtingin ko sa buhay. Higit sa lahat, nakaalis ako sa religion.
Ironically, naging mapayapa ang kalooban ko nang umalis ako sa
simbahan at tinanggal ang beliefs ko.

Naging malinaw na rin sa akin kung bakit ako nabubuhay. Nandito lang
naman ako para maging aware, ma-experience nang buo ang bawat moment,
matuto sa experiences na yon, at mag-let go. In the end, ang mahalaga
lang naman ay alam mong nabuhay ka nang walang pinagsisisihan. Kagaya
nga ng sabi ni Mirko sa My Hero Academia, "I LIVE WITH THE REMINDER OF
THE POSSIBILITY OF MY DEATH EVERY DAY, SO THAT I'LL HAVE NO REGRETS
WHEN I DIE!"

Sent via t.me/gmailbot

Saturday, July 13, 2019

Ang Kahon

Ang Kahon
nina Jonathan R. Bacolod at Joshua Catungal

Sa madilim na sulok ng alaala't kamalayan,
isang itim na kahon ang maingat na nakasilid;
itinali't pinalamutian ng lasong ginintuan,
sa labas ay tanging pangalan mo'ng nakatitik.

Sa loob ng kahon ay mga kupas na larawan,
ipinapaging-imortal mga alaalang nalipasan.
May nag-iisang boteng nagsisilbing kulungan,
ng mga luha, pag-ibig, ligaya't panghihinayang.

T'wing may nakaw na sandali, binubuksan ko ang kahon,
maluhang iniisa-isa mga larawang nakalumpon,
dagliang nagpapakalango sa alak ng emosyon,
isinisilid sa bote mga luhang naipon.

Isang araw, ang kahon ay pinasya kong sunugin,
sa pag-asang ito ang makapagpapalaya sa akin.
Nabasag ang bote, nag-abo ang mga larawan,
mapait-tamis na samyo'y sa langit pumailanglang.

Pagkatapos ng lahat, ako ay naluha,
alaala mo sa mga bagay na inabo
ay naroon pa.
Mahal, kahit durugin, sunugin ang kahon,
mayro'ng kirot sa pusong di kailanman mawawala at hahawiin.
Dahil kahit makaisang libo ko mang isipin,
hindi ko maamin na ika'y wala na sa piling
at kailanma'y di na magiging akin.

Thursday, July 11, 2019

Walang Kwenta

Lately nakakaramdam ako ng self-pity. Feeling ko kasi napaka-walang kwenta ko. Hindi sapat na nagtatrabaho ako para sa pamilya ko. Kahit gustuhin kong maging mabuting tatay para sa anak ko at magpakapagod araw-araw sa pag-aasikaso sa kanya, kulang pa rin. Required kasi akong maghangad ng mas mataas na position sa trabaho. Para bang kahit anong sipag ko sa pagtuturo, walang kwenta yon kung may mas mataas pang posisyon kaysa sa akin. Kung pwede ka namang magkaroon ng mas mataas na sahod, bat di mo hangarin? Ganyan ang paniniwala ng karamihan. Ang problema kasi, wala na akong paghahangad. Ni-let go ko na lahat ng desires, dreams, and goals ko at mahirap nang ibalik ang mga yon. Naranasan ko lang maging masaya at mapayapa nang pinakawalan ko lahat yon. Gumaling ako sa depression dahil tinanggal ko na ang mga yon. Kung ibabalik ko ang paghahangad ko, malamang babalik ulit ang depression. Ayaw ko na. Hindi ba pwedeng ibigay ko na lang ang best ko sa ginagawa ko ngayon? Hindi pa ba talaga sapat yon?