Wednesday, October 24, 2018

Presentable Slaves

Di ko talaga maalis sa isip ko yong thought na wala na akong buhay. Puro na lang kasi ako trabaho. Di ko na nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Ang hirap. Damang-dama ko ang pagiging alipin ko. Many times pag pumapasok ako ng school at may nakakasalubong akong mga naka-uniform, di ko maiwasang maisip na pare-pareho lang kaming mga alipin, magkakaiba nga lang ng suot. Di ko lang kasi talaga matanggap na hanggang dito lang ang buhay. Pag may anak ka na, habambuhay ka nang magtatrabaho hanggang sa kamatayan mo na yon. Hanggang dito na lang ba talaga ang lahat? Nabuhay ka at nag-aral para lang kumita ng pera at pagkatapos ng ilang taon ay mamamatay? Sa pera na lang ba talaga umiikot ang mundo?

Malaking isyu sa akin ito dahil namimiss ko nang gawin ang mga libangan ko, mga activities na hindi involved ang pera, mga bagay na ginagawa ko dahil masaya lang ako. Ang dami kong gustong basahin at isulat. May kanta rin akong di ko matapos-tapos dahil ang hirap mag-record sa bahay. Namimiss ko na ring makita at kausapin ang mga barkada ko. Wala na akong social life! Hanggang kailan kaya ako tatagal nang ganito?

Tuesday, October 9, 2018

How Meditation Destroyed My Life

Lately nararamdaman ko na may mali sa akin. I feel like I don't belong here. Actually matagal ko nang nararamdaman to. Ngayon ko nga lang naisipang magsulat ng tungkol dito. Pakiramdam ko hindi talaga ako para sa buhay na ito. May mali. Ang dami kong maling nakikita sa sarili ko, sa mundo, sa buhay. Ewan ko, baka epekto na rin to ng ginawa kong meditation starting 2012. O baka ganito na akong pinanganak. O siguro sa mga nabasa ko. Ewan, halu-halo na.

Noong nagsisimula pa lang ako sa meditation, I decided to give up everything. Yon naman kasi talaga ang essence ng meditation -- letting go. Ni-let go ko na ang mga worries ko, mga takot, regrets, desires, hopes, passions, and dreams. Sinama ko na rin pati mga paniniwala, pilosopiya, at edukasyon ko. Totally lahat pinakawalan ko para makaranas ng kapayapaan. In the end, gumaling ang depression ko, naging mapayapa at magaan ang puso ko, at naging malinaw ang pananaw ko sa maraming bagay. Nakamtan ko na ang matagal kong hinahangad na peace of mind. Kaya lang may kulang. Wala na ang passions ko. I don't feel strongly for anything anymore. Dati kasi talagang marubdob ang pagpapahalaga ko sa Bible at faith ko. Wala na ngayon. Kahit paano namimiss ko ang araw-araw na pag-aaral ng Bible at yong excitement na maka-diskubre ng mga bagong lessons sa doktrina. Nakakamiss din yong pag-offer ko ng mga talento ko sa simbahan. Ramdam ko noon na may silbi ako at mahalaga ako sa Diyos. Ramdam ko na ang mga ginagawa at sinasabi ko ay may patutunguhan. Seryoso ang paniniwala ko na ang lahat sa buhay ko ay para sa Kanya. Wala na ngayon. Kasama kasi ang Diyos sa mga pinakawalan ko. Nakakalungkot, oo, but ironically, naging peaceful ako nang mawala ang faith ko. Yan ang di ko maipa-intindi sa mga Christian friends ko kaya di ko na lang sinasabi. In the end, lumayo na lang ako sa kanila kaysa ipaliwanag pa ang sarili ko.

Kasama rin sa mga pinakawalan ko ay ang mga pangarap ko, kahit sa totoo lang di ko naman talaga maalala kung may pangarap ba ako. Noong high school ako, I had this vague idea na kailangan ko lang magkatrabaho in the future kaya dapat planuhin ko na ang buhay ko. Yon nga lang, natakot akong mangarap dahil baka di ko rin naman maabot. In the end, nakapagtrabaho pa rin naman ako pero di ko alam kung yon ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. Ang mahalaga lang sa akin ay sumasahod ako. Dahil tuloy dito, wala akong drive na mag-achieve pa ng mas mataas. Pinakawalan ko na rin kasi ang lahat ng mga paghahangad ko. I just live in the present. Masama ba yon? Siguro oo, kasi may asawa't anak ako na umaasa sa akin. Pero dahil din don, nawala ang lahat ng worries and fears ko about the future. Wala na akong anxieties sa buhay. Masama ba yon? Ewan, di ko masabi.

Pakiramdam ko wala na ang dati kong buhay. Wala na kasi ang mga dating pinahahalagahan ko. Nag-decide ako ngayon na mabubuhay na lang ako para sa mahal at anak ko, just to live here and now. Lahat ng pinaniniwalaan ko, pilosopiya, at achievements, isinantabi ko na. Dahil sa pag-let go ko sa mga yon, naging malinaw ang pagtingin ko sa buhay. But because of that clarity, mas marami akong nakikitang mali sa mundo. Ang daming kabobohan ng mga tao. Kahit mga may edad na, parang bata pa rin mag-isip. Naiinis lang ako pag naaalala ko ang mga kabobohan ng mga tao. Kaya nga ayokong manood ng balita. Puro kabulukan lang sa gobyerno at karahasan ng mga tao ang napapanood ko. Ang daming mali pero di ko alam kung paano maitatama. May kakayahan ba ang isang tao na baguhin ang mundo? Kalokohan.

In the end, tama ang nagsulat ng Ecclesiastes 1:18 "For with much wisdom comes much sorrow;
the more knowledge, the more grief." Pag masyado kang maraming nakikita, nalalaman, at naiisip, ikaw lang ang talo. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung nakabuti ba talaga sa akin ang pag-let go sa mga bagay na pinakawalan ko. Alin ba ang mas mahalaga sa akin, ang peace and clarity na nakuha ko sa meditation, o ang mga bagay na pinakawalan ko na naging reason din naman ng depression and anxieties ko? Kailangan ba talagang mamili? May possibility ba na maging peaceful ako habang marami akong hinahangad sa buhay? Pwede bang maging malinaw ang paningin ko sa buhay habang may pinanghahawakan akong pilosopiya at doktrina? Ewan, parang oxymoronic naman ang mga yon.

Kung titingnan sa labas, oo, nasira ng meditation ang buhay ko. Tinanggal nya lahat ng mga bagay na pinahahalagahan ko. Pero ang kapalit naman ay ang buong buhay kong hinahangad na kapayapaan. Is it worth the risk? Oo, pero dapat matapang ka. Dapat hindi ka takot na pakawalan lahat, kasi sa pag-let go mo lang mararanasan ang maging payapa. Para kang tumatalon sa bangin na hindi mo alam ang babagsakan mo. All it takes is a leap of faith. Tiwala lang talaga ang kailangan.

Saturday, October 6, 2018

What I Believe

Naicp q nuon n mlmang mtgal p bgo q maisulat in an outline form ang lhat o kramihan s mga pinanniwlaan q. Auq kcng isulat o sbhin s iba ang pilosopiya q s buhay dhil alm qng anytym ay pwd pang mgbago un. Pro ngaun nrealize q n kgaya q, normal lng dn n mgbago ang mga pinanniwlaan q. Wla nmang permanente s mundo kya lhat pwd mgbago, ksma n ron ang pilosopiya, ideyolohiya, convictions, at biases q. D nmn kelangang mging permanente ng isang bgay pra isulat q xa, dhil kng gnun, wla n qng pwdeng isulat.

Mula s mga nttunan q s buhay, eto ang pngunahin s mga pinanniwlaan q:

1. Hndi totoo ang Katotohnan, or at the very least, wla taung praan pra mlman o ma-attain un. Mapa-espiritual man, metaphysical, philosophical, o scientific, ang lhat ng Truth o Katotohnang alm ng tao ay pwd mgbago anytym. Wlang anumang bgay, ideya, o ctwasyon ang mssabing absolute, ultimate, o permanent.

2. Mging totoo k s srili m. Eto ang gmot s kramihan s mga repressed feelings ng tao n pwd mging dhilan ng depression. Kng d k man mtanggap ng iba, at least tanggap m ang srili m.

3. Wag mong gwin s iba ang ayw mong gwin nila sau. Nanniwla k man s Diyos o hndi, cnsbi ng conscience at common sense n ito ang tamang gwin.

4. Kng my ggwin kang desisyon, pngatawanan m. Kng mgsisi k man s bandang huli, at least srili m lng ang pwd m sisihin.

5. My mga dead end din s buhay ng tao. My mga pgkkataong ms mbuting tigilan m n ang pgttanung, pgging curious, at pgpilit s gsto m. Meron lng tlgang mga bgay n mhirap maintndihan, mkuha, mlman, at mgawa. makuntento k n lng.

6. Enjoy life. Yan lng nmn ang pwd mong mgawa s miserable at bulok n mundong to. Isa p, d m nmn pwdeng i-expect n ibang tao p ang mgpasaya sau. Gaya m, my mga srili rn clang klungkutan at problemang dinadala.

7. Mabuhay k n lng. Kng skaling d m p alm ang dhilan kng bat k nbbuhay, pwde kang lumapit s relhiyon o s Diyos. Kng d k p kuntento, wag m n lng alamin ang purpose m. It's better to love life more than the meaning of it.

8. mangarap k. Ms mbuting mging simpleng taong my pngarap kesa mging henyong wlang direksyon ang buhay. D k man gnun ktalino, at least mttuto kang mgsikap s buhay dhil s pngarap m.

9. Khit gaano kganda ang intensyon m, wla k p ring krpatang i-impose s iba ang mga ideya, standards, at pinanniwlaan m. Each one has a right to his own opinion and their opinion can be as valid as yours. Suggestion is more powerful than force.

10. Bgo k humingi ng tulong s iba, tulungan m muna ang srili m. Mhirap tulungan ang taong ayw tulungan ang srili. Gnun dn ang taong ayw mgpatulong.

11. My potensyal n mging successful ang bwat tao. ngkaiba-iba lng tau s edukasyon, kkyahan, dterminasyon, pera, at opportunity kya mas angat ang iba.

12. Hndi ang presidente, gobyerno, khirapan, o bulok n sistema ang pngunahing prblema ng bayan. Ang bulok n nature ng tao ang kelangang bguhin.

13. Ang nkkita m ay nkadepende lng s tintingnan m. Kng bkit puro negativ ang nkkita m s buhay ay dhil un ang gsto mong tignan. You choose your own eyeglasses thru which you see the world.

14. Don't believe everything you hear and read. Mga scientist man o religious leader ay ngkkamali rn.

4.24.09

Thursday, October 4, 2018

Inner Struggles

matagal na rin since huli akong sumulat. lampas isang taon na nga. di ko na tuloy alam kung pano o san ako magsisimula...

malungkot ako ngayon. ito lang naman yata ang reason kung bat ako nagsusulat, para lang ilabas ang mga nasa loob at isip ko tuwing nalulungkot ako. i guess alam ko na ang main reason kung bat prone ako sa sadness. madalas kasi ako mag-self-pity.

everytime i think of my self -- my personality, beliefs, and views -- i can't help but think if someone can really love and accept me as i am. eto ang reason kung bat madalas naaawa ako sa sarili ko. ibang-iba na ako kesa dati. nawalan na ako ng ganang magsimba dahil feeling ko wala na rin namang sense ang pagpunta ko ron samantalang naging atheistic na talaga ang outlook ko. wala na akong religion at paniniwala sa Diyos. di na ako bilib sa Bible, lalo na sa New Testament. i'm cynical about the government and society as a whole. i've never been patriotic and i already stopped being religious. kung may pinaniniwalaan man ako, yon ay ang kakayahan ng tao na i-improve ang kanyang sarili at malaman ang katotohanan gamit ang kanyang isip. ayoko nang maging superstitious. i'd rather be rational and use my reason to arrive at the truth.

i've been feeling so lonely lately. siguro epekto na rin ng pag-distansya ko sa mga kaibigan at kakilala ko sa church. tinuring ko na silang pamilya, pero mas mabuti sigurong lumayo na lang ako sa kanila para di ko na sila mahawa sa mga "heretic" belief ko at para malayo rin ako sa issue. ayokong lumabas na may kaaway ako o kinatampuhang tao kaya ako umalis, pero ayoko rin namang sabihin ng diretso sa kanila ang naging pagbabago ng isip at paniniwala ko. ok na siguro na dahan-dahan akong lumayo sa kanila. mas mabuti na rin siguro to kesa maging ipokrito ako at magpanggap.

nung mga unang buwan ng pagbalik ko sa simbahan, ang balak ko lang talaga ay makipag-ayos sa mga taong nasaktan ko dahil sa pag-alis ko. ang naging main reason ko lang ay dahil gusto ko lang talaga silang makasama at makita pagkatapos ng ilang taon ng "pagliliwaliw" ko sa mundo. pero habang tumatagal, nagkaron din ako ng desire na ibalik ang dating "faith" ko at maglingkod ulit sa Diyos. naging sobrang hirap lang talaga ng pagbabalik ko sa Kanya dahil na rin sa dami ng nangyari saken sa loob ng ilang taon ng paglayo ko. nahirapan na akong maniwala ulit dahil na rin siguro sa mga nalaman at nabasa ko. yes, in a way, nakasira sa "faith" ko ang pagiging sobrang mausisa ko at ang sobrang obsession ko sa katotohanan. ang reason ko kasi, kung talagang katotohanan ang sinasabi ng religion ko, yon at yon lang din ang malalaman ko kahit sa ibang sources pa ako tumingin. it turns out, ibang-iba pala ang sinasabi ng mga sources na yon. naglublob ako sa philosophy, history, psychology, religion, at conspiracy theories. inaral ko ang doktrina ng ibang simbahan at inalam ang origin ng mga doktrina ng Christianity. sineryoso ko ang religion ko. sa bandang huli, parang nagsisi rin ako. don ko napatunayan ang kasabihang, "ignorance is bliss."

tumagal ng halos two years ang "pagbabalik-loob" ko sa simbahan. kaya lang, sa twing nagsisimba ako, may isang part ng sarili ko ang nakakaramdam ng loneliness. i felt like a stranger in my own church. feeling ko kasi i don't belong there anymore. di ko na makita ang sarili ko bilang isa sa kanila. nahihirapan akong magdasal at magbasa ng Bible gaya ng ginagawa ko dati. siguro nga di ko na mababalik si nathan. nag-iba na ako. ibang tao na ako.

sa totoo lang natatakot ako sa pagiging atheist ko ngayon, hindi dahil mayron pa rin akong takot na balang-araw itatapon ako ng Diyos sa impiyerno, if ever totoo nga yon. natatakot ako dahil mag-isa lang ako. wala na kasi akong ibang kilala na kagaya ko ang religious standpoint. feeling ko walang makakaintindi nang buo sa mga pinaniniwalaan ko. i feel so lonely. wala man lang akong makausap tungkol sa mga topic na gusto ko at sobrang pinahahalagahan ko. actually meron naman, pero iba kasi ang viewpoint ni ivan. gusto kong makakilala ng kagaya ko at mai-open lahat ng nasa isip ko. ayoko nang mag-isa.

isa pang kinakatakot ko ay ang possibility na baka magbago pa ako ng paniniwala. ayokong ipaalam sa maraming tao ang religious status ko ngayon kasi baka mag-iba na naman ako ng isip at mag-decide na iwan ang atheism. ang dami ko na rin kasing naging "religion." from Christianity to atheism, then agnosticism to agnostic Christianity. ngayon, back to atheism, at di ko alam kung permanent na to. ang maganda lang sa position na to, malaya akong mag-isip, gumamit ng reason, at mag-decide kung ano ang magiging side ko lalo na when it comes to religious beliefs. nawala na nga talaga siguro ang "faith" sa sistema ko. di ko na alam kung pano ang manampalataya, lalo na kung ang gagawin kong definition non ay "being irrational and superstitious."

di na talaga ako nagsimba at wala man lang silang ideya kung bakit. kahit sarili kong pamilya di ko sinasabihan. natatakot kasi ako na baka di nila ako matanggap, lalo na si papa. di ko kayang sabihin sa kanya kung ano na ang pinaniniwalaan ko ngayon. di ko kayang sabihin sa kanya na di ko na pinaniniwalaan ang lahat ng pinaniniwalaan nya. malaki pa naman ang tiwala nya sa akin, hindi lang bilang anak kundi bilang kahalili nya sa pagdidisiplina sa mga kapatid ko at bilang spiritual leader ng pamilya namin. umasa syang maaakay ko si mama at ang bunso namin na maging matino at makakilala sa Diyos. kaya lang di ko na kaya. ayoko na. sariling desisyon na lang nila yon kung anong magiging kahihinatnan ng buhay nila. pagod na akong maging leader. ordinaryong tao lang naman talaga ako.

sa totoo lang gustung-gusto kong maniwalang may Diyos na nagbabantay at nagmamahal saken. gusto ko kasing maramdaman na special ako, na mayrong humahawak at nagse-secure ng buhay ko, at may tumutulong saken sa tuwing nahihirapan ako. gusto kong makaramdam ng security, acceptance, love, assurance, forgiveness, at support. gusto ko ring maramdaman ang encouragement at friendship na nakukuha ko sa simbahan. sila na rin kasi ang naging support group ko maliban kina mikko at ivan. kaya nga sobrang namiss ko sila nung unang beses na lumayo ako sa kanila. kahit naman ngayon ay ganon pa rin ang nararamdaman ko. kaya nga ganito na lang ang loneliness ko ngayon. kaso nga lang, di ko na kasi matagalan yong pakiramdam na nagsisimba lang ako para makasama sila. wala na kasing spiritual significance ang pakikisama ko sa kanila. kahit nandon ako, di na ako makaramdam ng connection with them. kasama nga nila ako pero parang may kulang. wala nang fellowship. siguro nga dahil di na talaga ako kristiyano.

oo, lumalabas na marami nga akong kinakatakutan ngayon, samahan pa ng malalim na loneliness. siguro ito talaga ang kabayaran ng paggamit ko ng isip ko at paglayo ko sa simbahan at sa Diyos. kung mayron man akong naging mortal sin, yon ay ang pagdepende ko sa reason at understanding ko. alam kong hindi pabor ang mga kristiyano sa ginawa ko, but it's my only choice. i had to use my brain, or else i would continue to suffer from cognitive dissonance. kung kasalanan man ang mag-isip, sana di Niya na lang ako "pinagkalooban" non. reason is the only capacity that defines me as a human, and to deny myself of that capacity means to deny my whole nature. if God will condemn me for using my reason, so be it. that's the only verdict i will gladly accept.

15:51 5/23/2011

After Quitting Church

S totoo lng nging npkahirap ng ctwasyon q cmula nung d n q ngcmba. Nanjan ung kelangan q ng umiwas s mga dti qng ksma s cmbhan. Filing q rn ngaun aq n ang black sheep s family nmin dhil nga ung mga kpatid q n pinpilit q pang mgcmba nuon, cla n ngaun ang lging ngccmba. kya nga twing tumtwag c papa gling saipan aq n ang cnsermonan nya. nbaligtad n tlga ang mundo pra s family nmin kc ang dting npkabait, un n ang msma at ayaw mkinig. Pro hgit p s mga negativ n nangyaring to, nrito ang mga ms mhlgang nangyari sken at nattunan q cmula nung umlis aq ng cmbhan:

1. Ironically, ms kya q ng tangapin ang mga tao ngaun khit nkita q n ang mga 'ksmaan' at 'kpangitan' nila. Dti ang hirap sbhing mhal at tangap q ang isang tao dhil alm q n s kaloob looban q, kristyano aq at mkslanan nmn xa (o ms mkslanan xa kesa sken, dhil nga unbeliever xa at aq nmn ay isang taong ligtas). mgkaiba kmi. Kelangan nya munang mging kristyano pra msbi qng kpatid q xa.

Dhil n rin mismo s pgkkaibang to kya ang mga hndi born again ay ilag s mga kristyano. ito ang dhilan kng bkit konti lng tlga ang nging mga kaibgan q nuon. Filing q kc iba aq s mga tao at iba rin cla sken. Ngaun ms ngagawa q n clang tangapin at mging totoong kaibgan nila.

2. Dti twing gumgwa aq ng mbuti, gngwa q un dhil at pra s Diyos. Mgnda un pra matuwa Xa sken, pra mging ms mtuwid at msunurin ang tingin Nya sken. Dhil dun nging npka-egocentric q. Lgi q kcng iniicp kng anung iicpin at ssbhin ng Diyos tngkol sken. Hndi aq mlaya. Dhil dn dun nwwalan ng hlga ang pggwa q ng mbuti. Gumgwa n lng kc aq ng mbuti dhil meron aqng nkkuhang kpalit, gya nga ng approval at papuri ng Diyos, at hndi dhil un ang ms tamang gwin ng isang taong mbuti.

Ngaun nging ms mlaya aqng sundin ang konsyensya q pgdating s pggwa ng mbuti at pgging mbait. Hndi n mhlga sken kng anung iicpin o ssbhin ng Diyos. Ang princpyo q n lng ngaun, kng meron mang Diyos n mtuwid at mrunong gumanti s kbutihan ng tao, Xa n ang bhlang mgreward s kbutihan q. Pro wla n qng pkialam s reward. Ang ms mhlga gnwa q ang alm qng tama.

3. Mas ngkaron n q ng chance ngaun n gmitin ang icp q, gumwa ng decisions on my own, at mgtanung ng mga bgay n d q pinpancn nuon, lalo n ung tngkol s relhiyon at cmbhan. Dti msmang mgtanung, kumontra, o mgpkita ng doubt s doktrina ng cmbhan at authority ng mga lider. Filing q tlga nuon nkakulong aq intelectually. Limitado lng kc ng cmbhan ang dpat qng mlman at maintndhan. Ngaun mas mlaya n qng mgicp, mg-reason out, at gumwa ng desisyon pra s srili q. Filing q ms responsable n q s kng anumang mga ngyyri s buhay q. Eto ang klase ng klyaang d q nrnsan nuon.

4. Filing q ngaun ms totoong tao n q. Dti lgi qng iniicp n dpt mging mbuting example aq s mga tao, dhil n rn s pgging kristyano q. Lgi qng inaalgaan ang testimony q pra hndi msbi ng mga unbeliever (ms mgnda ang term n non-born again) n preho lng ang mga kristyano s mga hndi kristyano. Nging praning tuloy aq s iicpin at ssbhin ng tao tngkol sken (gya ng cnbi q s numbr 2). Prang lging pigil ang kilos q dhil dun. Mxado aqng tkot mgkamali at mkasakit dhil kelangan lging tama lng ang gwin q. Nkakulong tlga aq. hgit s lhat, ngkaron aq ng seryosong paranoia dhil filing q lgi aqng pinag-iicpan ng msma ng mga tao, dala nga ng sobra qng self-consciousness at pgaalala s ssbhin ng mga tao. Ngaun mlya n q s gnun. Wla n qng pkialam s knila. Kng mgkamali man aq o mkasakit, ok lng dhil normal aqng tao. Pro d nmn ibg sbhin n mlya n qng mnakit ng iba. As possible auqng mkasakit pro kng mngyari man, d n q maiinis s srili q dhil alm qng normal aqng tao. Gnun ang buhay.


As possible auq snang sbhin s mga tao n wag n cla mgcmba dhil auqng mgmukhang kontrabida s buhay at relhiyon nila. Wla nmn aqng krptang plitin ang isang tao n mniwla sken. Ang pwde q lng gwin ay i-share ang mga naiicp at nrrnsan q. nttunan q n rin kcng igalang ang opinyon at pnniwla ng iba, d gaya ng gngwa q nuon s cmbhan. Pra sken knya knya lng tau ng version ng ktotohnan kya wla aqng krptang i-impose s iba ang version q.

Mlmang merong gstong mgtanung kng ngsisisi b q s pgalis q s chrch. Ang sgot: hndi. Khit ang dming pangit n nangyari sken dhil dun (ilan dun ay ang mga nsbi q n s cmula ng article n to), hndi aq ngsisisi n nlman at nbasa q ang mga bgay n d q n dpat binasa. Although s totoo lng, aaminin qng nging ms msya ang buhay q nuon. Pro ms mbuti n rin ang gnito kc halos wla rin nmang ngbago. mssabi qng nging ms mlaya aq cmula nung kumwla n q s cmbhan. Wla aqng pinagsisisihan.

12.31.08

Malabo

Intro: D D+ Bm C (2x)

D             DM7                     D9
Heto na naman ang tanong na to
   Gm7        F#m7    Bm           C       A
titigilan ko na ba ang pag-eemo ko?
D                  DM7              D9
Bakit ba hanggang ngayon ako'y
        Gm7               F#m7          Bm          C      A
nangangarap pang baka may pag-asa pa sayo?

Refrain:
      F#m      Bm               F#m             Bm
Sa tagal ng limang taon ng pagdadrama ko
F                          G                A     Asus4    A
siguro nga'y dapat nang sabihin to

Chorus:
          C#m    F#m          D                  E
Hayaan mo hindi na ko luluha pa nang dahil sayo
C#m            F#m         D                            E
Isipin mong limot na kita kahit na parang malabo
             C#m  F#m              D                      E
Pangako ko hindi na ko magdaramdam nang gaya nito
C#m           F#m           D                         E
Sana ay lumigaya ka na't mula ngayon ay lagi kang masaya (Intro)

D                   DM7          D9
At ngayon ang sabi mo naman
         Gm7              F#m7  Bm                      C     A
naka-move on ka na nga at tayo'y friends na lang
D                 DM7           D9
Bakit ba ang tangi kong alam
       Gm7       F#m7       Bm                   C       A
di mapilit mawala ang sa iyo'y nararamdaman?

Refrain:
      F#m      Bm                   F#m               Bm
Sa tagal ng limang Paskong ako'y bangag sayo
F                     G              A          Asus4        A
sana nga ay masabi ko na to

Bridge:
         A
Masaya ka na sana sa buhay mo
  F#m
Iisipin ko na lang na ok na ako
     G
Kahit alam ko naman ang totoo
     Asus4                           A
Kalimutan ka ay parang malabo

(Repeat Chorus)