Tuesday, October 9, 2018

How Meditation Destroyed My Life

Lately nararamdaman ko na may mali sa akin. I feel like I don't belong here. Actually matagal ko nang nararamdaman to. Ngayon ko nga lang naisipang magsulat ng tungkol dito. Pakiramdam ko hindi talaga ako para sa buhay na ito. May mali. Ang dami kong maling nakikita sa sarili ko, sa mundo, sa buhay. Ewan ko, baka epekto na rin to ng ginawa kong meditation starting 2012. O baka ganito na akong pinanganak. O siguro sa mga nabasa ko. Ewan, halu-halo na.

Noong nagsisimula pa lang ako sa meditation, I decided to give up everything. Yon naman kasi talaga ang essence ng meditation -- letting go. Ni-let go ko na ang mga worries ko, mga takot, regrets, desires, hopes, passions, and dreams. Sinama ko na rin pati mga paniniwala, pilosopiya, at edukasyon ko. Totally lahat pinakawalan ko para makaranas ng kapayapaan. In the end, gumaling ang depression ko, naging mapayapa at magaan ang puso ko, at naging malinaw ang pananaw ko sa maraming bagay. Nakamtan ko na ang matagal kong hinahangad na peace of mind. Kaya lang may kulang. Wala na ang passions ko. I don't feel strongly for anything anymore. Dati kasi talagang marubdob ang pagpapahalaga ko sa Bible at faith ko. Wala na ngayon. Kahit paano namimiss ko ang araw-araw na pag-aaral ng Bible at yong excitement na maka-diskubre ng mga bagong lessons sa doktrina. Nakakamiss din yong pag-offer ko ng mga talento ko sa simbahan. Ramdam ko noon na may silbi ako at mahalaga ako sa Diyos. Ramdam ko na ang mga ginagawa at sinasabi ko ay may patutunguhan. Seryoso ang paniniwala ko na ang lahat sa buhay ko ay para sa Kanya. Wala na ngayon. Kasama kasi ang Diyos sa mga pinakawalan ko. Nakakalungkot, oo, but ironically, naging peaceful ako nang mawala ang faith ko. Yan ang di ko maipa-intindi sa mga Christian friends ko kaya di ko na lang sinasabi. In the end, lumayo na lang ako sa kanila kaysa ipaliwanag pa ang sarili ko.

Kasama rin sa mga pinakawalan ko ay ang mga pangarap ko, kahit sa totoo lang di ko naman talaga maalala kung may pangarap ba ako. Noong high school ako, I had this vague idea na kailangan ko lang magkatrabaho in the future kaya dapat planuhin ko na ang buhay ko. Yon nga lang, natakot akong mangarap dahil baka di ko rin naman maabot. In the end, nakapagtrabaho pa rin naman ako pero di ko alam kung yon ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. Ang mahalaga lang sa akin ay sumasahod ako. Dahil tuloy dito, wala akong drive na mag-achieve pa ng mas mataas. Pinakawalan ko na rin kasi ang lahat ng mga paghahangad ko. I just live in the present. Masama ba yon? Siguro oo, kasi may asawa't anak ako na umaasa sa akin. Pero dahil din don, nawala ang lahat ng worries and fears ko about the future. Wala na akong anxieties sa buhay. Masama ba yon? Ewan, di ko masabi.

Pakiramdam ko wala na ang dati kong buhay. Wala na kasi ang mga dating pinahahalagahan ko. Nag-decide ako ngayon na mabubuhay na lang ako para sa mahal at anak ko, just to live here and now. Lahat ng pinaniniwalaan ko, pilosopiya, at achievements, isinantabi ko na. Dahil sa pag-let go ko sa mga yon, naging malinaw ang pagtingin ko sa buhay. But because of that clarity, mas marami akong nakikitang mali sa mundo. Ang daming kabobohan ng mga tao. Kahit mga may edad na, parang bata pa rin mag-isip. Naiinis lang ako pag naaalala ko ang mga kabobohan ng mga tao. Kaya nga ayokong manood ng balita. Puro kabulukan lang sa gobyerno at karahasan ng mga tao ang napapanood ko. Ang daming mali pero di ko alam kung paano maitatama. May kakayahan ba ang isang tao na baguhin ang mundo? Kalokohan.

In the end, tama ang nagsulat ng Ecclesiastes 1:18 "For with much wisdom comes much sorrow;
the more knowledge, the more grief." Pag masyado kang maraming nakikita, nalalaman, at naiisip, ikaw lang ang talo. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung nakabuti ba talaga sa akin ang pag-let go sa mga bagay na pinakawalan ko. Alin ba ang mas mahalaga sa akin, ang peace and clarity na nakuha ko sa meditation, o ang mga bagay na pinakawalan ko na naging reason din naman ng depression and anxieties ko? Kailangan ba talagang mamili? May possibility ba na maging peaceful ako habang marami akong hinahangad sa buhay? Pwede bang maging malinaw ang paningin ko sa buhay habang may pinanghahawakan akong pilosopiya at doktrina? Ewan, parang oxymoronic naman ang mga yon.

Kung titingnan sa labas, oo, nasira ng meditation ang buhay ko. Tinanggal nya lahat ng mga bagay na pinahahalagahan ko. Pero ang kapalit naman ay ang buong buhay kong hinahangad na kapayapaan. Is it worth the risk? Oo, pero dapat matapang ka. Dapat hindi ka takot na pakawalan lahat, kasi sa pag-let go mo lang mararanasan ang maging payapa. Para kang tumatalon sa bangin na hindi mo alam ang babagsakan mo. All it takes is a leap of faith. Tiwala lang talaga ang kailangan.

No comments:

Post a Comment