Wednesday, October 24, 2018

Presentable Slaves

Di ko talaga maalis sa isip ko yong thought na wala na akong buhay. Puro na lang kasi ako trabaho. Di ko na nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Ang hirap. Damang-dama ko ang pagiging alipin ko. Many times pag pumapasok ako ng school at may nakakasalubong akong mga naka-uniform, di ko maiwasang maisip na pare-pareho lang kaming mga alipin, magkakaiba nga lang ng suot. Di ko lang kasi talaga matanggap na hanggang dito lang ang buhay. Pag may anak ka na, habambuhay ka nang magtatrabaho hanggang sa kamatayan mo na yon. Hanggang dito na lang ba talaga ang lahat? Nabuhay ka at nag-aral para lang kumita ng pera at pagkatapos ng ilang taon ay mamamatay? Sa pera na lang ba talaga umiikot ang mundo?

Malaking isyu sa akin ito dahil namimiss ko nang gawin ang mga libangan ko, mga activities na hindi involved ang pera, mga bagay na ginagawa ko dahil masaya lang ako. Ang dami kong gustong basahin at isulat. May kanta rin akong di ko matapos-tapos dahil ang hirap mag-record sa bahay. Namimiss ko na ring makita at kausapin ang mga barkada ko. Wala na akong social life! Hanggang kailan kaya ako tatagal nang ganito?

No comments:

Post a Comment