Thursday, October 4, 2018

Inner Struggles

matagal na rin since huli akong sumulat. lampas isang taon na nga. di ko na tuloy alam kung pano o san ako magsisimula...

malungkot ako ngayon. ito lang naman yata ang reason kung bat ako nagsusulat, para lang ilabas ang mga nasa loob at isip ko tuwing nalulungkot ako. i guess alam ko na ang main reason kung bat prone ako sa sadness. madalas kasi ako mag-self-pity.

everytime i think of my self -- my personality, beliefs, and views -- i can't help but think if someone can really love and accept me as i am. eto ang reason kung bat madalas naaawa ako sa sarili ko. ibang-iba na ako kesa dati. nawalan na ako ng ganang magsimba dahil feeling ko wala na rin namang sense ang pagpunta ko ron samantalang naging atheistic na talaga ang outlook ko. wala na akong religion at paniniwala sa Diyos. di na ako bilib sa Bible, lalo na sa New Testament. i'm cynical about the government and society as a whole. i've never been patriotic and i already stopped being religious. kung may pinaniniwalaan man ako, yon ay ang kakayahan ng tao na i-improve ang kanyang sarili at malaman ang katotohanan gamit ang kanyang isip. ayoko nang maging superstitious. i'd rather be rational and use my reason to arrive at the truth.

i've been feeling so lonely lately. siguro epekto na rin ng pag-distansya ko sa mga kaibigan at kakilala ko sa church. tinuring ko na silang pamilya, pero mas mabuti sigurong lumayo na lang ako sa kanila para di ko na sila mahawa sa mga "heretic" belief ko at para malayo rin ako sa issue. ayokong lumabas na may kaaway ako o kinatampuhang tao kaya ako umalis, pero ayoko rin namang sabihin ng diretso sa kanila ang naging pagbabago ng isip at paniniwala ko. ok na siguro na dahan-dahan akong lumayo sa kanila. mas mabuti na rin siguro to kesa maging ipokrito ako at magpanggap.

nung mga unang buwan ng pagbalik ko sa simbahan, ang balak ko lang talaga ay makipag-ayos sa mga taong nasaktan ko dahil sa pag-alis ko. ang naging main reason ko lang ay dahil gusto ko lang talaga silang makasama at makita pagkatapos ng ilang taon ng "pagliliwaliw" ko sa mundo. pero habang tumatagal, nagkaron din ako ng desire na ibalik ang dating "faith" ko at maglingkod ulit sa Diyos. naging sobrang hirap lang talaga ng pagbabalik ko sa Kanya dahil na rin sa dami ng nangyari saken sa loob ng ilang taon ng paglayo ko. nahirapan na akong maniwala ulit dahil na rin siguro sa mga nalaman at nabasa ko. yes, in a way, nakasira sa "faith" ko ang pagiging sobrang mausisa ko at ang sobrang obsession ko sa katotohanan. ang reason ko kasi, kung talagang katotohanan ang sinasabi ng religion ko, yon at yon lang din ang malalaman ko kahit sa ibang sources pa ako tumingin. it turns out, ibang-iba pala ang sinasabi ng mga sources na yon. naglublob ako sa philosophy, history, psychology, religion, at conspiracy theories. inaral ko ang doktrina ng ibang simbahan at inalam ang origin ng mga doktrina ng Christianity. sineryoso ko ang religion ko. sa bandang huli, parang nagsisi rin ako. don ko napatunayan ang kasabihang, "ignorance is bliss."

tumagal ng halos two years ang "pagbabalik-loob" ko sa simbahan. kaya lang, sa twing nagsisimba ako, may isang part ng sarili ko ang nakakaramdam ng loneliness. i felt like a stranger in my own church. feeling ko kasi i don't belong there anymore. di ko na makita ang sarili ko bilang isa sa kanila. nahihirapan akong magdasal at magbasa ng Bible gaya ng ginagawa ko dati. siguro nga di ko na mababalik si nathan. nag-iba na ako. ibang tao na ako.

sa totoo lang natatakot ako sa pagiging atheist ko ngayon, hindi dahil mayron pa rin akong takot na balang-araw itatapon ako ng Diyos sa impiyerno, if ever totoo nga yon. natatakot ako dahil mag-isa lang ako. wala na kasi akong ibang kilala na kagaya ko ang religious standpoint. feeling ko walang makakaintindi nang buo sa mga pinaniniwalaan ko. i feel so lonely. wala man lang akong makausap tungkol sa mga topic na gusto ko at sobrang pinahahalagahan ko. actually meron naman, pero iba kasi ang viewpoint ni ivan. gusto kong makakilala ng kagaya ko at mai-open lahat ng nasa isip ko. ayoko nang mag-isa.

isa pang kinakatakot ko ay ang possibility na baka magbago pa ako ng paniniwala. ayokong ipaalam sa maraming tao ang religious status ko ngayon kasi baka mag-iba na naman ako ng isip at mag-decide na iwan ang atheism. ang dami ko na rin kasing naging "religion." from Christianity to atheism, then agnosticism to agnostic Christianity. ngayon, back to atheism, at di ko alam kung permanent na to. ang maganda lang sa position na to, malaya akong mag-isip, gumamit ng reason, at mag-decide kung ano ang magiging side ko lalo na when it comes to religious beliefs. nawala na nga talaga siguro ang "faith" sa sistema ko. di ko na alam kung pano ang manampalataya, lalo na kung ang gagawin kong definition non ay "being irrational and superstitious."

di na talaga ako nagsimba at wala man lang silang ideya kung bakit. kahit sarili kong pamilya di ko sinasabihan. natatakot kasi ako na baka di nila ako matanggap, lalo na si papa. di ko kayang sabihin sa kanya kung ano na ang pinaniniwalaan ko ngayon. di ko kayang sabihin sa kanya na di ko na pinaniniwalaan ang lahat ng pinaniniwalaan nya. malaki pa naman ang tiwala nya sa akin, hindi lang bilang anak kundi bilang kahalili nya sa pagdidisiplina sa mga kapatid ko at bilang spiritual leader ng pamilya namin. umasa syang maaakay ko si mama at ang bunso namin na maging matino at makakilala sa Diyos. kaya lang di ko na kaya. ayoko na. sariling desisyon na lang nila yon kung anong magiging kahihinatnan ng buhay nila. pagod na akong maging leader. ordinaryong tao lang naman talaga ako.

sa totoo lang gustung-gusto kong maniwalang may Diyos na nagbabantay at nagmamahal saken. gusto ko kasing maramdaman na special ako, na mayrong humahawak at nagse-secure ng buhay ko, at may tumutulong saken sa tuwing nahihirapan ako. gusto kong makaramdam ng security, acceptance, love, assurance, forgiveness, at support. gusto ko ring maramdaman ang encouragement at friendship na nakukuha ko sa simbahan. sila na rin kasi ang naging support group ko maliban kina mikko at ivan. kaya nga sobrang namiss ko sila nung unang beses na lumayo ako sa kanila. kahit naman ngayon ay ganon pa rin ang nararamdaman ko. kaya nga ganito na lang ang loneliness ko ngayon. kaso nga lang, di ko na kasi matagalan yong pakiramdam na nagsisimba lang ako para makasama sila. wala na kasing spiritual significance ang pakikisama ko sa kanila. kahit nandon ako, di na ako makaramdam ng connection with them. kasama nga nila ako pero parang may kulang. wala nang fellowship. siguro nga dahil di na talaga ako kristiyano.

oo, lumalabas na marami nga akong kinakatakutan ngayon, samahan pa ng malalim na loneliness. siguro ito talaga ang kabayaran ng paggamit ko ng isip ko at paglayo ko sa simbahan at sa Diyos. kung mayron man akong naging mortal sin, yon ay ang pagdepende ko sa reason at understanding ko. alam kong hindi pabor ang mga kristiyano sa ginawa ko, but it's my only choice. i had to use my brain, or else i would continue to suffer from cognitive dissonance. kung kasalanan man ang mag-isip, sana di Niya na lang ako "pinagkalooban" non. reason is the only capacity that defines me as a human, and to deny myself of that capacity means to deny my whole nature. if God will condemn me for using my reason, so be it. that's the only verdict i will gladly accept.

15:51 5/23/2011

No comments:

Post a Comment