Wednesday, March 4, 2020

No Regrets

Ginanahan akong magsulat ngayon dahil may mga batang sinipag magbasa
ng blog ko. Isa pa, gumagana pala ang physical keyboard pag sinaksak
dito sa cellphone kaya mas mabilis akong nakakapagtype.

Naging curious lang naman ang mga bata sa akin nang sabihin kong wala
akong religion. Ang dami nilang gustong itanong kaya sabi ko basahin
na lang nila tong blog ko. Nang icheck ko, narealize kong kaunti pa
lang pala ang laman nito. Hopefully may maisulat akong may sense
ngayon para may mabasang matino ang mga bata.

Ang totoo, kahit wala na akong religion ngayon, hindi ko na hayagang
sinasabi na atheist ako. Umiiwas na kasi ako sa lahat ng philosophies.
Isa pa, ang atheism as isa ring kahon na maglilimita sa pag-iisip ko.
Kahit sinasabi kong hindi ako naniniwala sa diyos, open pa rin naman
ako sa possibility na mayrong something divine sa buhay na ito. Wala
na akong beliefs, ang mayroon na lang ay openness. Ang mahirap kasi sa
atheists, sarado na ang isip nila about anything beyond this world.
Puro hanggang pisikal lang ang focus nila. But when I look inside
myself, masasabi kong hindi lang talaga puro pisikal lang ang bumubuo
sa tao. There is something more, something beyond.

Hindi ba sapat na sabihing ako ay ako? Bat ko kailangang i-define ang
sarili ko base sa trabaho, nationality, gender, edukasyon, pilosopiya,
religion, o political beliefs ko? Illusion lang naman ang lahat ng
iyon. In fairness naman sa meditation, simula nang matuto akong
mag-meditate, narealize ko na ang dami kong maling paniniwala tungkol
sa sarili ko. Kaya nga nang i-let go ko ang lahat ng mga false notions
ko about my self, nakilala ko na talaga kung sino ako. Yon lang naman
talaga ang hinahangad ko simula nang magka-isip ako.

Looking back, akala ko gusto ko lang talagang makilala ang Diyos kaya
naging active ako sa simbahan nong high school ako. Naging seryoso ako
sa religion ko at inaral ko talaga ang Bible. Sumali ako sa mga
ministries para makapaglingkod at nag-lead ng Bible studies sa
pag-aakalang mas mapapalapit ako sa Diyos. In the end, napagod lang
ako at mas nalugmok sa depression. Naisip ko tuloy na baka naman hindi
ang Diyos ang sagot sa deep longing na nararamdaman ko? It turns out,
tama ako.

January 2012 nang mag-decide akong mag-meditate. Unti-unti kong
nakilala ang sarili ko at dahan-dahang gumaling ang depression ko. Sa
totoo lang, yon talaga ang naging turning point ng buhay ko. Dahil sa
meditation nakalaya ako sa malalim at madilim na kalungkutang
nararamdaman ko since magka-isip ako. Dahil din don na-let go ko ang
lahat ng anxieties and negativities ko. Naging mas malinaw ang
pagtingin ko sa buhay. Higit sa lahat, nakaalis ako sa religion.
Ironically, naging mapayapa ang kalooban ko nang umalis ako sa
simbahan at tinanggal ang beliefs ko.

Naging malinaw na rin sa akin kung bakit ako nabubuhay. Nandito lang
naman ako para maging aware, ma-experience nang buo ang bawat moment,
matuto sa experiences na yon, at mag-let go. In the end, ang mahalaga
lang naman ay alam mong nabuhay ka nang walang pinagsisisihan. Kagaya
nga ng sabi ni Mirko sa My Hero Academia, "I LIVE WITH THE REMINDER OF
THE POSSIBILITY OF MY DEATH EVERY DAY, SO THAT I'LL HAVE NO REGRETS
WHEN I DIE!"

Sent via t.me/gmailbot

Saturday, July 13, 2019

Ang Kahon

Ang Kahon
nina Jonathan R. Bacolod at Joshua Catungal

Sa madilim na sulok ng alaala't kamalayan,
isang itim na kahon ang maingat na nakasilid;
itinali't pinalamutian ng lasong ginintuan,
sa labas ay tanging pangalan mo'ng nakatitik.

Sa loob ng kahon ay mga kupas na larawan,
ipinapaging-imortal mga alaalang nalipasan.
May nag-iisang boteng nagsisilbing kulungan,
ng mga luha, pag-ibig, ligaya't panghihinayang.

T'wing may nakaw na sandali, binubuksan ko ang kahon,
maluhang iniisa-isa mga larawang nakalumpon,
dagliang nagpapakalango sa alak ng emosyon,
isinisilid sa bote mga luhang naipon.

Isang araw, ang kahon ay pinasya kong sunugin,
sa pag-asang ito ang makapagpapalaya sa akin.
Nabasag ang bote, nag-abo ang mga larawan,
mapait-tamis na samyo'y sa langit pumailanglang.

Pagkatapos ng lahat, ako ay naluha,
alaala mo sa mga bagay na inabo
ay naroon pa.
Mahal, kahit durugin, sunugin ang kahon,
mayro'ng kirot sa pusong di kailanman mawawala at hahawiin.
Dahil kahit makaisang libo ko mang isipin,
hindi ko maamin na ika'y wala na sa piling
at kailanma'y di na magiging akin.

Thursday, July 11, 2019

Walang Kwenta

Lately nakakaramdam ako ng self-pity. Feeling ko kasi napaka-walang kwenta ko. Hindi sapat na nagtatrabaho ako para sa pamilya ko. Kahit gustuhin kong maging mabuting tatay para sa anak ko at magpakapagod araw-araw sa pag-aasikaso sa kanya, kulang pa rin. Required kasi akong maghangad ng mas mataas na position sa trabaho. Para bang kahit anong sipag ko sa pagtuturo, walang kwenta yon kung may mas mataas pang posisyon kaysa sa akin. Kung pwede ka namang magkaroon ng mas mataas na sahod, bat di mo hangarin? Ganyan ang paniniwala ng karamihan. Ang problema kasi, wala na akong paghahangad. Ni-let go ko na lahat ng desires, dreams, and goals ko at mahirap nang ibalik ang mga yon. Naranasan ko lang maging masaya at mapayapa nang pinakawalan ko lahat yon. Gumaling ako sa depression dahil tinanggal ko na ang mga yon. Kung ibabalik ko ang paghahangad ko, malamang babalik ulit ang depression. Ayaw ko na. Hindi ba pwedeng ibigay ko na lang ang best ko sa ginagawa ko ngayon? Hindi pa ba talaga sapat yon?

Wednesday, October 24, 2018

Presentable Slaves

Di ko talaga maalis sa isip ko yong thought na wala na akong buhay. Puro na lang kasi ako trabaho. Di ko na nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Ang hirap. Damang-dama ko ang pagiging alipin ko. Many times pag pumapasok ako ng school at may nakakasalubong akong mga naka-uniform, di ko maiwasang maisip na pare-pareho lang kaming mga alipin, magkakaiba nga lang ng suot. Di ko lang kasi talaga matanggap na hanggang dito lang ang buhay. Pag may anak ka na, habambuhay ka nang magtatrabaho hanggang sa kamatayan mo na yon. Hanggang dito na lang ba talaga ang lahat? Nabuhay ka at nag-aral para lang kumita ng pera at pagkatapos ng ilang taon ay mamamatay? Sa pera na lang ba talaga umiikot ang mundo?

Malaking isyu sa akin ito dahil namimiss ko nang gawin ang mga libangan ko, mga activities na hindi involved ang pera, mga bagay na ginagawa ko dahil masaya lang ako. Ang dami kong gustong basahin at isulat. May kanta rin akong di ko matapos-tapos dahil ang hirap mag-record sa bahay. Namimiss ko na ring makita at kausapin ang mga barkada ko. Wala na akong social life! Hanggang kailan kaya ako tatagal nang ganito?

Tuesday, October 9, 2018

How Meditation Destroyed My Life

Lately nararamdaman ko na may mali sa akin. I feel like I don't belong here. Actually matagal ko nang nararamdaman to. Ngayon ko nga lang naisipang magsulat ng tungkol dito. Pakiramdam ko hindi talaga ako para sa buhay na ito. May mali. Ang dami kong maling nakikita sa sarili ko, sa mundo, sa buhay. Ewan ko, baka epekto na rin to ng ginawa kong meditation starting 2012. O baka ganito na akong pinanganak. O siguro sa mga nabasa ko. Ewan, halu-halo na.

Noong nagsisimula pa lang ako sa meditation, I decided to give up everything. Yon naman kasi talaga ang essence ng meditation -- letting go. Ni-let go ko na ang mga worries ko, mga takot, regrets, desires, hopes, passions, and dreams. Sinama ko na rin pati mga paniniwala, pilosopiya, at edukasyon ko. Totally lahat pinakawalan ko para makaranas ng kapayapaan. In the end, gumaling ang depression ko, naging mapayapa at magaan ang puso ko, at naging malinaw ang pananaw ko sa maraming bagay. Nakamtan ko na ang matagal kong hinahangad na peace of mind. Kaya lang may kulang. Wala na ang passions ko. I don't feel strongly for anything anymore. Dati kasi talagang marubdob ang pagpapahalaga ko sa Bible at faith ko. Wala na ngayon. Kahit paano namimiss ko ang araw-araw na pag-aaral ng Bible at yong excitement na maka-diskubre ng mga bagong lessons sa doktrina. Nakakamiss din yong pag-offer ko ng mga talento ko sa simbahan. Ramdam ko noon na may silbi ako at mahalaga ako sa Diyos. Ramdam ko na ang mga ginagawa at sinasabi ko ay may patutunguhan. Seryoso ang paniniwala ko na ang lahat sa buhay ko ay para sa Kanya. Wala na ngayon. Kasama kasi ang Diyos sa mga pinakawalan ko. Nakakalungkot, oo, but ironically, naging peaceful ako nang mawala ang faith ko. Yan ang di ko maipa-intindi sa mga Christian friends ko kaya di ko na lang sinasabi. In the end, lumayo na lang ako sa kanila kaysa ipaliwanag pa ang sarili ko.

Kasama rin sa mga pinakawalan ko ay ang mga pangarap ko, kahit sa totoo lang di ko naman talaga maalala kung may pangarap ba ako. Noong high school ako, I had this vague idea na kailangan ko lang magkatrabaho in the future kaya dapat planuhin ko na ang buhay ko. Yon nga lang, natakot akong mangarap dahil baka di ko rin naman maabot. In the end, nakapagtrabaho pa rin naman ako pero di ko alam kung yon ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. Ang mahalaga lang sa akin ay sumasahod ako. Dahil tuloy dito, wala akong drive na mag-achieve pa ng mas mataas. Pinakawalan ko na rin kasi ang lahat ng mga paghahangad ko. I just live in the present. Masama ba yon? Siguro oo, kasi may asawa't anak ako na umaasa sa akin. Pero dahil din don, nawala ang lahat ng worries and fears ko about the future. Wala na akong anxieties sa buhay. Masama ba yon? Ewan, di ko masabi.

Pakiramdam ko wala na ang dati kong buhay. Wala na kasi ang mga dating pinahahalagahan ko. Nag-decide ako ngayon na mabubuhay na lang ako para sa mahal at anak ko, just to live here and now. Lahat ng pinaniniwalaan ko, pilosopiya, at achievements, isinantabi ko na. Dahil sa pag-let go ko sa mga yon, naging malinaw ang pagtingin ko sa buhay. But because of that clarity, mas marami akong nakikitang mali sa mundo. Ang daming kabobohan ng mga tao. Kahit mga may edad na, parang bata pa rin mag-isip. Naiinis lang ako pag naaalala ko ang mga kabobohan ng mga tao. Kaya nga ayokong manood ng balita. Puro kabulukan lang sa gobyerno at karahasan ng mga tao ang napapanood ko. Ang daming mali pero di ko alam kung paano maitatama. May kakayahan ba ang isang tao na baguhin ang mundo? Kalokohan.

In the end, tama ang nagsulat ng Ecclesiastes 1:18 "For with much wisdom comes much sorrow;
the more knowledge, the more grief." Pag masyado kang maraming nakikita, nalalaman, at naiisip, ikaw lang ang talo. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung nakabuti ba talaga sa akin ang pag-let go sa mga bagay na pinakawalan ko. Alin ba ang mas mahalaga sa akin, ang peace and clarity na nakuha ko sa meditation, o ang mga bagay na pinakawalan ko na naging reason din naman ng depression and anxieties ko? Kailangan ba talagang mamili? May possibility ba na maging peaceful ako habang marami akong hinahangad sa buhay? Pwede bang maging malinaw ang paningin ko sa buhay habang may pinanghahawakan akong pilosopiya at doktrina? Ewan, parang oxymoronic naman ang mga yon.

Kung titingnan sa labas, oo, nasira ng meditation ang buhay ko. Tinanggal nya lahat ng mga bagay na pinahahalagahan ko. Pero ang kapalit naman ay ang buong buhay kong hinahangad na kapayapaan. Is it worth the risk? Oo, pero dapat matapang ka. Dapat hindi ka takot na pakawalan lahat, kasi sa pag-let go mo lang mararanasan ang maging payapa. Para kang tumatalon sa bangin na hindi mo alam ang babagsakan mo. All it takes is a leap of faith. Tiwala lang talaga ang kailangan.

Saturday, October 6, 2018

What I Believe

Naicp q nuon n mlmang mtgal p bgo q maisulat in an outline form ang lhat o kramihan s mga pinanniwlaan q. Auq kcng isulat o sbhin s iba ang pilosopiya q s buhay dhil alm qng anytym ay pwd pang mgbago un. Pro ngaun nrealize q n kgaya q, normal lng dn n mgbago ang mga pinanniwlaan q. Wla nmang permanente s mundo kya lhat pwd mgbago, ksma n ron ang pilosopiya, ideyolohiya, convictions, at biases q. D nmn kelangang mging permanente ng isang bgay pra isulat q xa, dhil kng gnun, wla n qng pwdeng isulat.

Mula s mga nttunan q s buhay, eto ang pngunahin s mga pinanniwlaan q:

1. Hndi totoo ang Katotohnan, or at the very least, wla taung praan pra mlman o ma-attain un. Mapa-espiritual man, metaphysical, philosophical, o scientific, ang lhat ng Truth o Katotohnang alm ng tao ay pwd mgbago anytym. Wlang anumang bgay, ideya, o ctwasyon ang mssabing absolute, ultimate, o permanent.

2. Mging totoo k s srili m. Eto ang gmot s kramihan s mga repressed feelings ng tao n pwd mging dhilan ng depression. Kng d k man mtanggap ng iba, at least tanggap m ang srili m.

3. Wag mong gwin s iba ang ayw mong gwin nila sau. Nanniwla k man s Diyos o hndi, cnsbi ng conscience at common sense n ito ang tamang gwin.

4. Kng my ggwin kang desisyon, pngatawanan m. Kng mgsisi k man s bandang huli, at least srili m lng ang pwd m sisihin.

5. My mga dead end din s buhay ng tao. My mga pgkkataong ms mbuting tigilan m n ang pgttanung, pgging curious, at pgpilit s gsto m. Meron lng tlgang mga bgay n mhirap maintndihan, mkuha, mlman, at mgawa. makuntento k n lng.

6. Enjoy life. Yan lng nmn ang pwd mong mgawa s miserable at bulok n mundong to. Isa p, d m nmn pwdeng i-expect n ibang tao p ang mgpasaya sau. Gaya m, my mga srili rn clang klungkutan at problemang dinadala.

7. Mabuhay k n lng. Kng skaling d m p alm ang dhilan kng bat k nbbuhay, pwde kang lumapit s relhiyon o s Diyos. Kng d k p kuntento, wag m n lng alamin ang purpose m. It's better to love life more than the meaning of it.

8. mangarap k. Ms mbuting mging simpleng taong my pngarap kesa mging henyong wlang direksyon ang buhay. D k man gnun ktalino, at least mttuto kang mgsikap s buhay dhil s pngarap m.

9. Khit gaano kganda ang intensyon m, wla k p ring krpatang i-impose s iba ang mga ideya, standards, at pinanniwlaan m. Each one has a right to his own opinion and their opinion can be as valid as yours. Suggestion is more powerful than force.

10. Bgo k humingi ng tulong s iba, tulungan m muna ang srili m. Mhirap tulungan ang taong ayw tulungan ang srili. Gnun dn ang taong ayw mgpatulong.

11. My potensyal n mging successful ang bwat tao. ngkaiba-iba lng tau s edukasyon, kkyahan, dterminasyon, pera, at opportunity kya mas angat ang iba.

12. Hndi ang presidente, gobyerno, khirapan, o bulok n sistema ang pngunahing prblema ng bayan. Ang bulok n nature ng tao ang kelangang bguhin.

13. Ang nkkita m ay nkadepende lng s tintingnan m. Kng bkit puro negativ ang nkkita m s buhay ay dhil un ang gsto mong tignan. You choose your own eyeglasses thru which you see the world.

14. Don't believe everything you hear and read. Mga scientist man o religious leader ay ngkkamali rn.

4.24.09

Thursday, October 4, 2018

Inner Struggles

matagal na rin since huli akong sumulat. lampas isang taon na nga. di ko na tuloy alam kung pano o san ako magsisimula...

malungkot ako ngayon. ito lang naman yata ang reason kung bat ako nagsusulat, para lang ilabas ang mga nasa loob at isip ko tuwing nalulungkot ako. i guess alam ko na ang main reason kung bat prone ako sa sadness. madalas kasi ako mag-self-pity.

everytime i think of my self -- my personality, beliefs, and views -- i can't help but think if someone can really love and accept me as i am. eto ang reason kung bat madalas naaawa ako sa sarili ko. ibang-iba na ako kesa dati. nawalan na ako ng ganang magsimba dahil feeling ko wala na rin namang sense ang pagpunta ko ron samantalang naging atheistic na talaga ang outlook ko. wala na akong religion at paniniwala sa Diyos. di na ako bilib sa Bible, lalo na sa New Testament. i'm cynical about the government and society as a whole. i've never been patriotic and i already stopped being religious. kung may pinaniniwalaan man ako, yon ay ang kakayahan ng tao na i-improve ang kanyang sarili at malaman ang katotohanan gamit ang kanyang isip. ayoko nang maging superstitious. i'd rather be rational and use my reason to arrive at the truth.

i've been feeling so lonely lately. siguro epekto na rin ng pag-distansya ko sa mga kaibigan at kakilala ko sa church. tinuring ko na silang pamilya, pero mas mabuti sigurong lumayo na lang ako sa kanila para di ko na sila mahawa sa mga "heretic" belief ko at para malayo rin ako sa issue. ayokong lumabas na may kaaway ako o kinatampuhang tao kaya ako umalis, pero ayoko rin namang sabihin ng diretso sa kanila ang naging pagbabago ng isip at paniniwala ko. ok na siguro na dahan-dahan akong lumayo sa kanila. mas mabuti na rin siguro to kesa maging ipokrito ako at magpanggap.

nung mga unang buwan ng pagbalik ko sa simbahan, ang balak ko lang talaga ay makipag-ayos sa mga taong nasaktan ko dahil sa pag-alis ko. ang naging main reason ko lang ay dahil gusto ko lang talaga silang makasama at makita pagkatapos ng ilang taon ng "pagliliwaliw" ko sa mundo. pero habang tumatagal, nagkaron din ako ng desire na ibalik ang dating "faith" ko at maglingkod ulit sa Diyos. naging sobrang hirap lang talaga ng pagbabalik ko sa Kanya dahil na rin sa dami ng nangyari saken sa loob ng ilang taon ng paglayo ko. nahirapan na akong maniwala ulit dahil na rin siguro sa mga nalaman at nabasa ko. yes, in a way, nakasira sa "faith" ko ang pagiging sobrang mausisa ko at ang sobrang obsession ko sa katotohanan. ang reason ko kasi, kung talagang katotohanan ang sinasabi ng religion ko, yon at yon lang din ang malalaman ko kahit sa ibang sources pa ako tumingin. it turns out, ibang-iba pala ang sinasabi ng mga sources na yon. naglublob ako sa philosophy, history, psychology, religion, at conspiracy theories. inaral ko ang doktrina ng ibang simbahan at inalam ang origin ng mga doktrina ng Christianity. sineryoso ko ang religion ko. sa bandang huli, parang nagsisi rin ako. don ko napatunayan ang kasabihang, "ignorance is bliss."

tumagal ng halos two years ang "pagbabalik-loob" ko sa simbahan. kaya lang, sa twing nagsisimba ako, may isang part ng sarili ko ang nakakaramdam ng loneliness. i felt like a stranger in my own church. feeling ko kasi i don't belong there anymore. di ko na makita ang sarili ko bilang isa sa kanila. nahihirapan akong magdasal at magbasa ng Bible gaya ng ginagawa ko dati. siguro nga di ko na mababalik si nathan. nag-iba na ako. ibang tao na ako.

sa totoo lang natatakot ako sa pagiging atheist ko ngayon, hindi dahil mayron pa rin akong takot na balang-araw itatapon ako ng Diyos sa impiyerno, if ever totoo nga yon. natatakot ako dahil mag-isa lang ako. wala na kasi akong ibang kilala na kagaya ko ang religious standpoint. feeling ko walang makakaintindi nang buo sa mga pinaniniwalaan ko. i feel so lonely. wala man lang akong makausap tungkol sa mga topic na gusto ko at sobrang pinahahalagahan ko. actually meron naman, pero iba kasi ang viewpoint ni ivan. gusto kong makakilala ng kagaya ko at mai-open lahat ng nasa isip ko. ayoko nang mag-isa.

isa pang kinakatakot ko ay ang possibility na baka magbago pa ako ng paniniwala. ayokong ipaalam sa maraming tao ang religious status ko ngayon kasi baka mag-iba na naman ako ng isip at mag-decide na iwan ang atheism. ang dami ko na rin kasing naging "religion." from Christianity to atheism, then agnosticism to agnostic Christianity. ngayon, back to atheism, at di ko alam kung permanent na to. ang maganda lang sa position na to, malaya akong mag-isip, gumamit ng reason, at mag-decide kung ano ang magiging side ko lalo na when it comes to religious beliefs. nawala na nga talaga siguro ang "faith" sa sistema ko. di ko na alam kung pano ang manampalataya, lalo na kung ang gagawin kong definition non ay "being irrational and superstitious."

di na talaga ako nagsimba at wala man lang silang ideya kung bakit. kahit sarili kong pamilya di ko sinasabihan. natatakot kasi ako na baka di nila ako matanggap, lalo na si papa. di ko kayang sabihin sa kanya kung ano na ang pinaniniwalaan ko ngayon. di ko kayang sabihin sa kanya na di ko na pinaniniwalaan ang lahat ng pinaniniwalaan nya. malaki pa naman ang tiwala nya sa akin, hindi lang bilang anak kundi bilang kahalili nya sa pagdidisiplina sa mga kapatid ko at bilang spiritual leader ng pamilya namin. umasa syang maaakay ko si mama at ang bunso namin na maging matino at makakilala sa Diyos. kaya lang di ko na kaya. ayoko na. sariling desisyon na lang nila yon kung anong magiging kahihinatnan ng buhay nila. pagod na akong maging leader. ordinaryong tao lang naman talaga ako.

sa totoo lang gustung-gusto kong maniwalang may Diyos na nagbabantay at nagmamahal saken. gusto ko kasing maramdaman na special ako, na mayrong humahawak at nagse-secure ng buhay ko, at may tumutulong saken sa tuwing nahihirapan ako. gusto kong makaramdam ng security, acceptance, love, assurance, forgiveness, at support. gusto ko ring maramdaman ang encouragement at friendship na nakukuha ko sa simbahan. sila na rin kasi ang naging support group ko maliban kina mikko at ivan. kaya nga sobrang namiss ko sila nung unang beses na lumayo ako sa kanila. kahit naman ngayon ay ganon pa rin ang nararamdaman ko. kaya nga ganito na lang ang loneliness ko ngayon. kaso nga lang, di ko na kasi matagalan yong pakiramdam na nagsisimba lang ako para makasama sila. wala na kasing spiritual significance ang pakikisama ko sa kanila. kahit nandon ako, di na ako makaramdam ng connection with them. kasama nga nila ako pero parang may kulang. wala nang fellowship. siguro nga dahil di na talaga ako kristiyano.

oo, lumalabas na marami nga akong kinakatakutan ngayon, samahan pa ng malalim na loneliness. siguro ito talaga ang kabayaran ng paggamit ko ng isip ko at paglayo ko sa simbahan at sa Diyos. kung mayron man akong naging mortal sin, yon ay ang pagdepende ko sa reason at understanding ko. alam kong hindi pabor ang mga kristiyano sa ginawa ko, but it's my only choice. i had to use my brain, or else i would continue to suffer from cognitive dissonance. kung kasalanan man ang mag-isip, sana di Niya na lang ako "pinagkalooban" non. reason is the only capacity that defines me as a human, and to deny myself of that capacity means to deny my whole nature. if God will condemn me for using my reason, so be it. that's the only verdict i will gladly accept.

15:51 5/23/2011