Sunday, May 19, 2013

Bittersweet moments


April 29, 2013

gabi na. andito ako sa duyan. one month na rin akong tambay dito sa bahay. parang nasasanay na rin ako na nagbabasa lang lagi. namiss ko rin naman kasi to. nung may pasok ako di ko to nagagawa.

lately naramdaman ko lang na gusto kong magsulat. napakadalang ko na rin kasing magawa to. kahapon nagsimba ako. naramdaman kong iba na nga talaga ako. di na ako yung dati na popular sa mga kabataan. iba na nga ang mundo ko kumpara sa kanila. may load din si qijof kahapon kaya parang bumalik saken yung isyu ko about belief. tuwing kausap ko kasi si qijof, parang napakadali lang ang maniwala sa Diyos at bibliya. habang tumatagal mas nakikita kong nahihirapan akong maniwala. tuwing nagpi-preach si pastor, wala nang dating saken ang mga sinasabi nya, hindi dahil ma-pride ako o nagbibingi-bingihan ako sa mga sinasabi nya. ganon lang talaga siguro pag nakilala mo na ang totoo mong pagkatao, pag nahanap mo na kung sino ka talaga. wala na akong pakialam sa kahit na anong dogma dahil nakita ko na ang center ko. I've already found the peace I've been desperately longing for. naging totoo na ako sa sarili ko at nakalaya sa inner struggles ko. nakauwi na ako sa wakas.

yun ang reason kung bakit wala nang epekto ang sinasabi ng relihiyon at lipunan sa akin. alam ko na kung ano ang dapat pakinggan at sundin ko. kaya nga pag nasa simbahan ako, para kang akong bato sa gitna ng batis. lumalampas lang sa tenga ko ang mga naririnig ko. sayang nga lang dahil di ko to pwedeng sabihin o ituro sa kanila. inalis ko na rin kasi ang desire na mag-"evangelize".

kung iisipin ko lang, masasabi kong successful na akong tao. solid ang friendship namin nina mek at van. talagang maaasahan ko sila kahit sa panahon ng kagipitan. kahapon kasi wala kaming pambayad sa hospital bill ni mama. buti nakautang ako kay van. si mek naman, kahit late na nag-offer, ramdam kong ready syang tumulong. masaya ako sa friendship namin kasi kahit tatlo lang kami, solid naman. ganon din si bheng. isa sya sa mga malalaking rason king bakit naaappreciate ko ang buhay. ang dami kong pangarap na natupad dahik sa kanya. wala na akong hahanapin pa. sa trabaho naman, natupad ko na ang pangarap kong makapagturo sa college. talagang masaya at nag-eenjoy ako, lalo na't ramdam kong naaappreciate din ng students ko ang efforts ko. masarap pala sa pakiramdam yung masabihan kang magaling kang magturo. sa family ko naman, si bok na lang ang pinag-aaral kaya maluwag na, although may financial issues pa rin. di naman yata mawawala yun. ang iniisip ko na lang, darating din yung time na di na namin iisipin ang mga utang ni mama at yung kulang sa bayad dito sa bahay. matatapos din lahat yun.

kung tutuusin komportable naman kami sa sitwasyon namin ngayon. nakabili na nga ng aircon si ate at bukas kukuha na si mama ng ref. kung di namin maaappreciate kung gaano kami ka-blessed ngayon, di rin kami magiging masaya kahit yumaman pa kami.

nagkatext kami lately ni qijof. ramdam kong namimiss nya yung kakulitan ko sa text. siguro naninibago sya kasi madalang na akong magparamdam sa kanya. tinanggap ko na kasi sya bilang kaibigan kaya di na ganon ka-special ang tingin ko sa kanya. kahit nahirapan ako nung una, kailangan ko na talagang pakawalan ang feelings ko sa kanya. yun din naman kasi ang tamang gawin, saka para makaiwas din kami sa komplikasyon. mas mabuti na ang ganon.

many times nararamdaman ko yong urge na kaawaan at palungkutin ang sarili ko. kaya lang narerealize ko wala namang dahilan para maging malungkot at miserable ako. I realize naging way ko pala yung misery ko para kaawaan, tulungan, mahalin, at alagaan ako ng ibang tao. kaya lang di ko naman pwedeng iasa sa iba ang kaligayahan ko. nasa desisyon ko kung magiging masaya o miserable ang buhay ko. yun ang reason kaya gumaling ang depression ko at natuto akong maging misery-proof ang buhay ko.

di ko naman tinatanggi na gusto ko si qijof. alam ko kasi na pag ni-repress ko ang feelings ko mas lalong sasabog yon. tinanggap ko na lang talaga na hanggang kaibigan na lang ang kaya niyang ibigay sa akin. wala na siyang balak na lumampas pa ron ang relasyon namin. isa pa, kahit naman anong gawin ko, si bheng pa rin talaga ang hinahanap ng puso ko. siya na ang naging standard ng babaeng gusto kong makasama at pasayahin. nasa kanya pa rin talaga ang puso ko.

I just want to go deeper. yan ang motto ko pag nagmemeditate ako. just let go of everything and go deeper. ang dami ko nang natutunan at na-experience simula nang mag-meditate ako. naging mapayapa at tahimik ang loob ko. yun naman ang mahalaga, yung nasa loob. dun naman talaga mahahanap ang kaligayahan, hindi sa panlabas. sana noon ko pa narealize yon.

No comments:

Post a Comment