Sunday, May 19, 2013

Letting Go

April 3, 2013

bakasyon na nga. di na ako sanay na walang ginagawa. andito ako ngayon sa duyan habang nagtatype. wala na akong magawa. bored nang magbasa at gumawa ng kung anu-ano. feeling ko lang gusto kong magsulat kaya eto.

kahapon lumabas kami ni qijof. sa wildlife lang kami. kahapon feeling ko parang kami na talaga kaya lang di ko pa rin maalis ang feeling ko kay bheng. kahapon ko narealize na iba talaga ang pakiramdam kapag si bheng ang kasama ko. mas kaya kong maging totoo sa sarili ko. nagdecide na rin kami ni qijof na maging friends na lang at i-let go na ang feelings namin. kahit mahirap, yun ang mas tamang gawin. alam ko rin naman na wala kaming patutunguhan. di kami bagay. di kami para sa isa't isa. masyado syang mabait para sa akin at masyado akong makamundo para sa kanya. I just don't deserve her. napatunayan kong si bheng-bheng pa rin talaga ang babaeng hinahanap ko kahit ngayon ay may krisis syang hinaharap. sana nga lang talaga ma-let go na na yung ninakaw na laptop nya. gusto ko nang bumalik ang sigla nya.

iba talaga ang gaan ng pakiramdam ko pag si bheng ang kasama ko. sa kanya ko pa lang nararamdaman yun. sobrang kampante na ako sa kanya dahil ramdam kong tanggap nya talaga ako at di na sya naghahangad na baguhin ako. ewan ko lang kung makaramdam pa ako ng ganon sa ibang babae.

lately pakiramdam ko nawala na ang cheerfulness ni bhe. ang tamad na nya sa text. parang nada-down tuloy ako. nagbago na sya dahil lang sa laptop nya. gusto kong mainis kasi sinisira nya ang buhay nya dahil lang sa isang bagay na nawala sa kanya. para bang buong kaligayahan nya nakadepende ron. naiinis ako dahil di nya magawang i-let go yun kahit matagal nang nawala. parang nag-iba na talaga siya dahil dun.

No comments:

Post a Comment