Sunday, May 19, 2013

Zen

 Sept. 14, 2012

Ramdam ko namang may feelings na ako kay nbn dbspm kaya lang ayoko ng gulo. Di ko naman nire-repress ang feelings ko, pero ayoko ring patuloy na lumalim ang nararamdaman ko. Ayoko  na kasi ng gulo. Basta di ko na kailangan ng babae. Busy na ako sa Zen. I just want to fully live each moment. Masaya na ako ngayon.

Matagal na nga pala akong di nakapagsulat. Simula nong naging kami ni Bhe, di na ako nakapagsulat ulit. Naging  very busy na kasi ako non. Graduating kasi ako nung naging kami saka narealize ko na ang story namin ay mas maganda sa real life, hindi sa nakasulat. May mga feelings din pala na mas mabuting wag na lang ikulong sa lengwahe at hayaang lumago sa puso. Ganon ang pakiramdam ko sa kanya kaya di ko na rin naisipang magsulat tungkol sa kanya o sa  aming dalawa.

Nakakamiss din palang magsulat. Nitong mga nakaraang buwan kasi nakafocus na ako sa existence ko at sa meditation. Sobrang thankful ako na natuto akong magmeditate. Ito na ang pinakamahalagang natutunan ko sa buhay ko. Nahanap ko ang sarili ko at naging buo na ang pagkatao ko. Ngayon alam ko na kung ano yong sobrang tagal ko nang hinahanap sa buhay ko. Ito na yon. Mahirap nga lang banggitin gamit ang salita. Pero dahil sa meditation, na-encounter ko na ang "ITO". Salamat sa Diyos (o sa existence) dahil sa wakas naramdaman ko nang nakauwi na ako. Ito na talaga yon.

Marami na ngang nangyari simula nang gumraduate ako. Nakapag-apply ako bilang Instructor sa ACCESS Computer College at mag-iisang sem na ako ron. Sobrang nag-eenjoy ako sa work ko kasi pinangarap ko talaga ang magturo sa college. Nakakatuwa rin ang mga estudyante ko. Kahit maraming hirap sa Math, di naman ako nai-stress sa kanila. Isa pa, masaya ako sa mga co-teacher ko. Di sila mahirap pakisamahan. Parang magkakabarkada nga lang kami eh. Pero syempre, di pa rin maiiwasan ang mga isyu kasi iba-ibang ang personalities at background nila. Basta ako, labas ako sa mga isyu nila. Nandon lang naman ako para magturo. Masaya na ako sa ganon.
 
Inaantok na ako kaso nag-eenjoy akong magsulat. Lately lagi na akong kulang sa tulog. Lagi na kasi akong ginagabi kaya late na ako nakakatulog. Pero hopefully pagkatapos ng board exam makakapagpahinga na ako tuwing Sunday. Kailangan ko naman kasi talaga ng tulog.

Ano pa nga bang pwedeng isulat? Si lsjtib buntis na at di ko alam kung sino'ng ama. Di naman kasi ako nakikibalita sa mga tao sa simbahan. Ilang buwan na rin kasi akong di nakakasimba dahil sa LET review. Si kfo nilalayuan ko na rin. Nagsawa na rin kasi ako sa pagsabi sa kanya na tigilan na ang relasyon nila ni mpwfmz . Wala na akong pakialam sa kanya ngayon. Basta nakafocus na lang ako sa present moment, sa existence ko ngayon. 

Nakakamiss din si Bheng. Gustung-gusto kong yakapin at halikan ang babaeng yon. Gusto ko ang naughtiness at kakulitan nya. Nakakaadik ang amoy at yakap niya. Gustung-gusto ko siyang pasayahin.

Sige na, matutulog na nga ako. May demo pa ako bukas na NTC.

No comments:

Post a Comment